Yan ang sinabi sa amin ni Ma'am Daduya ng mga ilang araw na lang ang natitira bago kami tuluyan ng lumisan sa eskwelahang naging pangalawang tahanan namin sa loob ng apat na taon. Marami kaming natutunan at nakilala pero syempre, all things come to an end.
Move forward na dahil sarado na ang pinto para tayo pa'y makapasok sa RS. Pero syempre ibang storya na ang pagbisita dun. Hahahaha!
College. Eto nanaman ang laging nasa isip ko. Ibang-iba ito sa high school. Bagong mundo, bagong rules, bagong mga tao. Ang masasabi ko eh hindi pa ako ready bumitaw sa pagiging bata. Dahil ito na ang time para maging independent. Magcocommute na mag-isa, magdodorm, hihiwalay sa pamilya. At ang malas ko at Mon-Sun ang klase ko! Uwi ko siguro eh hapon ng Sunday tapos balik ng umaga ng Monday. Okay lang ito, first term lang tong schedule na ito. Hahaha.
Ang isa pang iniisip ko eh magkakaroon ba ako ng mga kaibigan na makakasakay sa mga trip ko? Haha. People who will accept me for who I am? Sana meron. Please lang. HAHAHAHA! Pero excited na ako pumasok!!! Kahit ayaw ko pa. Yes yes yo, may mga bago nanaman akong kaibigan na ishashare ko ang jokes na napupulot ko kung saan saan na nagpatawa saken.
Sa MAS Forums, marami na akong nakilala! Dalawa na yung blockmates ko. B41 people!
Si Jastelle (I like to call him Jas haha) na really nice nung una kong nakilala sa deviantART. Si Gwilen, anggaling na photographer! I saw her Fotologue account and her photos show different stories! Tapos si RAP yata ang pinakaexcited sa amin. :)) Ang active sa forum eh. Haha he's nice and accomodating din. Always encouraging other MAS guys to sign up at the forums. Si Mahree din! She's from Bataan and angbait din nya. Big fan ni Ashley Simpson. And of course, si Francesca! Na naging kaibigan ko online mga last year pa dahil ka link exchange. Haha sayang hindi kami magkaklase. ;_____;
Anyway, the bottom line is... I'm happy may mga naging kaibigan na ako pagdating ko sa Mapua sa July 13 which is great! Sometime maglulunch kaming lahat together. Hahaha yay. Pero that doesn't change the fact na ayaw ko pa magcollege. Excited na ako pero ayaw ko pa rin. Hahaha that's what they call mixed emotions!
3 comments:
Grabe, hectic no. Araw-araw may pasok. Bummer. Buti ka nga may nakilala ka ng ka-blockmate. Ako hanggang ngayon wala pa rin. Hindi kaya ako lang ang nagiisang student sa B42? XD
tagal pa ng pasukan niyo. grabeee! samantala kami bukas na. ok lang yan, magkakaroon ka ng mga new friends basta be nice lang. hehe. at sure naman ako na may makakaintindi ng mga gusto mo. :D
Good luck sa college. :)
Post a Comment